Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

LP: Paboritong Litrato

Ito ang pinakapaborito kong litrato ng prinsesa sa kasalukuyan. Kuha ito pagkatapos niyang kumain ng chocolate mini ice cream. Napakahilig nya sa sorbetes! Buti na lang at may nabibili ditong mini ice cream on cone. Mga 3 pulgada lamang ang taas. Ayos na ito para mapagbigyan lamang ang kanyang craving sa sorbetes.
Tuwing nakikita ko din ito, naiisip ko ding hindi na beybi ang aking prinsesa. Little girl na sya. Hay... ang bilis lumaki ng mga bata.

Maligayang anibersayo mga ka-LP!! =)

LP: Tipanan

Magandang Huwebes sa inyong lahat!!

Para sa akin, medyo senti ang tema ngayong linggo. Sa mahigit 10 taon naming magkasama na aking mahal na asawa, mahirap maghanap ng naaakmang larawan na maibabahagi sa linggong ito.

Habang naghahalungkat sa baul ng aming mga larawan, natisod ko ang mga ito. Noong unang taon ng aming kasal, tina-try naming mag-celebrate buwan-buwan ng aming month-sary. Kahit simpleng dinner lang sa restaurant ay sapat na para ipagdiwang ang mahalagang araw ng buwan. Hay... napakasarap mag-reminisce.

7/11/2005

6/11/2005

5/11/2005

3/11/2005

1/10/2005

12/11/2004

11/11/2004

Pangarap kong maging ganyan ulit kapayat.
At parangarap ko ring mabalikan ang mga restaurant na yan sa Japan...

LP: Kahel

Magandang araw!!

Ngayong nalalapit na ang Lunar Chinese New Year, punong-puno ang mga tindahan/prutasan dito ng iba't ibang kulay kahel.

Kahon-kahong ponkan/mandarin orange

Iba't-ibang klase ng maaasim na prutas

At itong mga maliliit na kalabasa

Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kadaming ponkan sa mga grocery. Lahat ng grocery ay may tindang kahon-kahong ponkan. Nakakatakam!! Lalo na sa aking mgahilig sa ponkon. lol.

Sa aking pagsaliksik, ipinamimigay ang ponkan tuwing chinese new year sa mga kamag-anak na dumadalaw. Syempre may kasama itong ampaw (hong bao). Nakaka-engganyong bumili lalo na pag makikita din ang makukulay na palamuti para sa nalalapit na new year.

Gong Xi fai cai!! para sa mga kaibigang chinese.

Magandang LP!!

LP: Pula

Ipagpaumanhin ang aking matagal nang hindi paglahok sa LP. Sadyang toxic lang sa pagiging SAHM sa isang batang nasa terrible-twos stage.

Ito ang pinakapaborito kong larawan na pula. Kuha ito noong Oct 2007 sa Jollibee sa may National Bookstore, Quezon Ave. Itong Jollibee na ito ang pinakamalapit sa aming bahay. Nagkataon na noong pumunta kami ay tapos na ang appearance ni Jollibee sa party sa taas. Nagpaunlak sya ng ilang photo-ops sa mga batang nandoon. Sinamantala ko ang pagkakataon. Iniupo ang aking anak sa counter, tinawag si Jollibee at CLICK!! Isinali ko pa nga ang larawan na ito sa Jollibee Happy Moments na paligsahan ng Jollibee website noon. Sa kabutihang palad ay nanalo ng pangalawang pwesto. =D 1k GC din ang aming nakuha.

Magandang araw ng LP!!

LP: Kadiliman

Pagmasdan ang pakikipaglaban ni haring araw sa kadiliman na idudulot ng gabi.

Ito ang tanawin mula sa bintana ng aming lumang tinitirhang condo. Napakagandang pagmasdan ang paglubog ng araw.

LP: Liwanag

Dikya ang mga ito. May iba't-ibang kulay. Ngunit mas nakabibighani yung mga puting dikya na may kaka-ibang liwanag na nanggagaling sa kanyang mga galamay. Napakaganda nilang tingnan lalo na sa ilalim ng black light.

LP: Aking Kompyuter

Sobrang tagal na mula nang ako'y huling mag-post sa LP. Pasensya na po... Sadyang toxic lang sa mga nakaraang linggo sa trabaho. At medyo nakakatamad kumuha ng larawan sa aming pipitsuging camera. Mas gusto ko pa ngang kumuha ng larawan gamit ang aking mumunting cellfone.

Pero dahil malapit sa aking puso ang paksa nung nakaraang linggo, makiki-post na din ako kahit sobrang huli na.

Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, hindi makukumpleto ang araw ko nang hindi makakakuha ng radiation galing sa kompyuter screen. Sa pagmulat ng aking mata hanggang sa pagpikit upang matulog na, naka-harap ako sa kompyuter. Ito din ay dahil sa aking linya ng trabaho sa IT. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin kung walang kompyuter. Kaya hwag nyo akong dadalhin sa liblib at malayong lugar na walang internet, mamatay ako. hahaha.

Ang unang larawan ay ang aking kompyuter sa bahay. Dati-rati desktop ang kompyuter ko. Pero ngayon mas gusto ko na ang laptop. Hindi ko naman sya inilalabas ng bahay pero mas malawak sya at hindi masyadong mabusisi sa mga aksesorya. Nasa likod nya ang aming ever-reliable-na-malapit-na-ding-bumigay na external HDD na si dingga. Matagal na sya sa amin, may lampas 4 taon na din yata. Pero napaglalagyan pa din ng mga backup files. Pede na syang mag-retiro. :P

Ang pangalawang larawan ay ang aking compyuter sa upisina. Laptop din sya. Kaya wala akong dahilan para hindi makapag-trabaho sa bahay. Ganyan lamang ang kanyang itsura sa maghapon dahil ako ay may external monitor at keyboard. So parang desktop din sya. hahaha. Ayaw kong iniuuwi ito dahil mabigat. Kung pede nga lang mag-request ng bagong laptop. :P Pero di na din nila ako pagbibigyan kasi ako'y malapit nang umalis.

Hanggang sa susunod na LP!